‘Yung nakakapagod. ;/

Ang hirap magsulat tungkol sa topic na hindi ko alam. Parang ewan lang kasi eh. Hulaan ng mattype. Tapos, may required number of words pa. 

Ang maganda lang dito eh nadedevelop ang researching skills ko. Period. Pati mga working attitudes nadedevelop na din. Jusme, mawala na sana ang katamaran ko sa katawan. Megusta.

Yung feeling na gusto ko na to mag-500 words agad! Yon! Yung ganung feeling! >.> Buti na lang may nakausap ako kagabi. <3 Si Pagmamahal. ;) Nakakawala ng pagod.

Oh siya tulog na kami ha? Sabay kasi kaming natutulog pero hindi magkatabi noh. XDD Good Night Mareng Tumvlee!

5.30.12 (ngayon palang yung May 30 oh. ;) )

(via vanessanism)

May Catechesis

Hello! Ang sipag ko lang magkwento. Ang ganda kasi ng background ko eh, special thanks to magandang Rizza :) Siya yung gumawa ng background ko at ang ganda naman talaga. :)

Oh siya. Kanina, namiss ko talagang maging Katekista, pa’no naman kasi, ang kucute tignan ng mga bata. 

/ nanonood sila ng mga palaro d’yan. /

Tapos. Alam niyo bang namiss ko ding sumayaw. Hihihi. Frustrated dancer ako nung highschool eh (at hanggang ngayon naman din) Kaya nainggit ako ng sumayaw yung mga bata kanina. Kung makasayaw nga ng “Fire” by 2NE1 yung isang group eh wagas. 

/ yung boy sa gitna, todo sumayaw! obvious na may pagkabading siya. Pero, sana sa paglaki niya ‘wag niyang ikahiya kung ano talaga siya. Sana hindi siya magpatalo sa magiging judgment ng tao sa kanya kung meron man /

/ Sack Race: Ang tunay na naglalaro ng sack race, nadadapa din. /

Wala lang. Naaawa kasi ako ‘pag may nadadapang bata sa larong ‘yan eh. Naisip ko naman din agad na it’s a part of the game (yung pagkadapa) kaya kailangang kayanin ng bata ‘yun. 

/ Ang tunay na naglaro sa harina, may harina. *bow* /

Ang cute! Kambal ba sila o magkamukhang-magkamukha lang? Ang ganda kasi nilang tignan! Ang dudungis. :)

/ Leader ng Rosary /

After naman ng party-party kanina, natapos yung araw namin sa isang panalangin-Rosary. Sa di nakakaalam, Katoliko po ako. Active sa parokya at naniniwala sa Kanya. :)

Sana one day mainvite ko ng full time ‘yung kapatid ko dito. I pray na sana magkaro’n din siya ng personal relationship with God.

5.29.12

(‘Yung date ko sa previous post ko eh 5.30.12. Ay jusme. Male-Male. )

Good night!

Tatlong Bagay na Ayaw kong Gawin para sakin

Una, i-treat akong special.

Pangalawa, bigyan ako ng flowers.

Pangatlo, kausapin ang parents/guradians ko about sa intention niya sakin…

Kaso ginawa niya ‘to lahat eh. :3 Appreciated Yupee! :) <3

Ewan ko ba. High school pa lang ako, ayoko nang umaasa sa ibang tao. Gusto kong tumayo sa sarili kong paa. (malamang alangan namang ibang paa gamitin ko) De joke lang. Sa totoo lang, naiinis na kinikillig ako kay yupee dahil sa special treatment na ginagawa niya sakin. Daig pa ng buhok ko yung kay rapunzel dahil sa ka-sweetan niya sakin. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko. Lagi na lang kasi niya kong tinuturing na sweet. Wala lang. Pero dati ha! Kung asarin akong emo neto wagas, pero ngayon, wala na kong dapat ika-emo. ;)

Kaya nga nasabi ko to sa ending ng SYHOT eh.

Yung underlined part d’yan eh sinabi ng pagmamahal ko sakin. Promise. Sa kanya galing ‘yan eh. Ginaya ko lang. :) 

Gusto ko lang talagang ikwento. :) Hindi pa kami ng taong nagsabi niyan sakin, pero dun na din kami papunta. :) 

5.30.12 / Ang sipag ko magpost ngayon /

Sir, You’re Hot reaches 200k reads!

Oh ‘di ba. Pang-headline lang ‘yung text post na ito. Natutuwa lang ako kasi nakaabot ng gano’ng reads ‘yung kwento ni Sir Railey at Rebecca. :3

Gusto ko lang pong magpasalamat sa mga nagbasa nitong cliche na story ko pong ito. :) Sa mga readers na nagtyagang magbasa nito. :)

5.30.12

A Date to Remember /May 27 2012/

At dahil hindi ko pwedeng ilagay sa facebook kung saan KAMI pumunta, dito na lang  kay mareng tumblr. :)

La Mesa Eco Park :)

Siya nga pala. May 27, 2012. Unplanned na gumala kami ni yupee papuntang Eco Park. Plano naming magpicnik at gumala all the way sa lugar na ‘yon. ‘Yung common na ginagawa sa park. First time ko dun kaya sobrang excited ako kahit nasa byahe palang kami.

Ang masaklap ng slight eh umulan ng pumunta kami d’on. Define wrong timing in one word-ulan. Ang saya lang. Pinakiusapan ko si Bro na sana magstop yung ulan para makapamasyal kami dahil kung hindi maliligo kami ng wala sa oras. Pero, kahit umulan, nakuha pa din naming magpicture :)

 

(Buti na lang may payong kaming dalawa. Ang cute tignan ;) )

Kahit umiinom na ng tubig yung shoes ko, tuloy pa din ang lakad. Iba pala talaga kapag <3 mo yung kasama. Nakakalimutan kong sumisipsip na ng tubig yung mga paa ko. Nakakatawa nga eh, meron kasi kaming nadaanang group of people na nandun din, kung maka-ehem-ehem naman sila, wagas?! Ano kami? Virus? Well, feeling ko naiinggit lang sila. Ang sweet kasi namin eh. :)

( Ayoko magpose. Teka. Ano ba yan. \(*_*)/ )

( Dry leaves for you ) Pinilit ko siyang ngumiti d’yan. /o



(Ang tsinelas at mga bato) 4 photos na ganito yung subject pero para sakin, eto yung pinaka the best!

Eto po yung DP ko ngayon. May parang Petron-Chenes-Dash-Something dun sa Ecopark. Nakalimutan ko lang yung tawag. Basta! Mukha siyang hagdan-hagdang palayan. Eh, ang ganda ng kuha ko dito. ^__^

Nasa may mataas na part na kami ng Eco Park neto. Yung kitang kita mo yung view sa baba. Ang cute kasi ang taas then ang daming halaman na nakapaligid sa’yo. Hayy. Fresh Air, sana meron ka sa Rizal.

 

Sa sobrang ganda ng bulaklak, napicture-an ko sila. Tawa-tawa daw tawag diyan sa Bicol sabi ni Lola ko. :) Masaya siguro sila noh? O kaya, nagpapasaya sila. Ang sayang tignan ng kulay nila. :)

Ang piniritong manok na luto ni yupee. :) Ang sarap neto. Daig ang KFC at MAX’s. Kahit walang sawsawan, panalo! (Commercial eto te? XD)

After naming mag-gala sa Eco Park at dahil malapit na lang din ang QC Circle,  pumunta na muna kami dun. Para umikot, circle kasi. De joke lang, nagpahinga kami saglit dun. :)

The Dancing Water. Sumasayaw kasi sila.

Pagkatapos ng mahabang lakaran, the rest is history. :) Ang bottom line eh nakauwi kami ng safe at ligtas. Ang saya ng araw na yon kasi wala ng asterisk. *winks*

Hanggang dito na lang.

Nagmamahal,

Yupee. 

5.27.12

(via speciallyhim)

Ang sakit lungs. (`_`)

Ang sakit ng lalamunan ko. Ung tipong ‘pag nagsasalita ako eh kumikirot. :| Why o why? Nasobrahan lang ata. ~_~

Ang tunay na kaibigan, Tanga.

Bakit ko nasabi? Dahil sa palagay ko, ang tunay na pagkakaibigan ay pagpapakatanga.

Masasabing tunay na kaibigan ang isang creature kung patuloy niyang tinatanggap (as in open arms) si (for example) Pedro (kaibigan niya) kahit sandamakmak na kasalanan na ang nagawa ni Pedro sa kanya. Sandamakmak na kasinungalingan man ang naibigay ni Pedro sa kanya, patuloy niya pa din itong tinatanggap at walang pag-aalinlangang inaalok na magbago mula sa masasamang gawain.

Hayy. Sinu-sino pa kaya ang mga candidate sa Real Friend Award? Siguro, bibihira na lang. Kaya, sanam mahalin natin yung mga kaibigan natin d’yan. Iilan na lang silang totoo. Ingatan mo ha?

Kung bibigyan lang ako ng chance na i-unfriend sa totoong buhay yung mga kaibigan kong plastic, ginawa ko na kaso, naalala ko, kailangan nga pala ng balance sa mundo. Hindi natin madidistinguish ang totoo sa plastic kung wala ‘yung isa. So, at one point pala, may naitutulong din sa lipunan ang pagkaplastic ng iba.

Check.